CONFESSIONS OF A CHEATING WIFE..ni Fmtch..01

Written by: feminine_touch68

Prologue:

Coming from a broken family, naiiba ang set up na aking kinalakhan, ang tatay ko kailangang magtrabaho malayo samin, para magsuportahan kami at mapatunayang kaya niya, pinalayas kami ng pamilya ng nanay ko mula sa kanilang tinitirhan.umalis din ang nanay ko at naghanap ng kanyang kaligayan, iniwan kaming tatlong magkakapatid sa tatay namin.Ang lola at lolo ko ang kinagisnan namin, ako bilang bunso ay lumaking parang anak ng lola, ako lang kasi ang tumatawag ng mama sa lahat ng apo, kung minsan tuloy, pati tatay ko, parang kapatid ko na din…Hindi kami close sa isa’t isa..walang nagpapakita ng emosyon samin.Dahil sa ang aming lola at lolo ay teachers sa parehong paaralan, convenient sa kanila ang dalhin kami dun araw-araw.Libre na nga naman sa yaya dahil tatlo nga kami.Nang mag umpisa ng magsipag-aral ang mga kapatid ko ako na lang mag-isa ang sinasama hanggang kahit di ko pa tamang edad para mag-aral hiniling ko na din na mag-aral na ako at magpaiwan sa bahay.

Lumaki akong lolo’s girl, at kahit nun pag umuuwi ang tatay at gusto kaming tatlong magkakapatid na makatabi pagtulog, umiiyak ako dahil mas gusto ko matulog sa gitna ng lola at lolo ko kesa sa tabi ng tatay ko.Silent type ang tatay ko, ni di kami niyan kinakausap, pero ang pinakaayaw niya ay ang makita kaming umiiyak.Kung kami ay binibiro ng mga kapatid nya at pinaiyak, kahit kumakain yan,iiwan nya ang kanyang kinakain, di iimik at lalabas na lang, papasok na lang yan pag tapos na ang iyakan, tatawagin ka at papaupuin sa tabi nya at yayakapin.

Di uso sa amin ang salitang I LOVE YOU, kahit kaming magkakapatid , di kami nag-uusap, never naming kilalanin ang isa’t isa.Hanggang tingin lang.Alam ang pangalan, nakikita ang ginagawa, pero never kung ano ang nasa damdamin.Di kami close ika nga, na open para sabihin ang aming nararamdaman. Ni hindi pwede sa amin ang isyu ng nanay, love, sex at relationship.Pag-magtanong ka ng ganun, malandi na agad, in-heat at mag-aasawa na.Di nga nila alam kung dinatnan na ako ng regal, pati yun takot ako sabihin, kasi pakiramdam ko nun, kasalanan ang labasan ng dugo, buti na lang ang tatay ko responsible, at alam na ang mga anak nya babae, so mula sa panty hanggang sa sanitary napkin supply na yan every three months..

San nga ba nag umpisa at pano ba naging ganito ang lahat……

Second year high school ako ng makilala ko si Robert, crush ko na sya nun, gwapo kasi, at ang boses, parang Ariel Rivera, 14 ako 18 cya..hanggang crush lang yun, tingin tingin…pa cute , ek, ek..Malaki ang agwat ng pagkakaiba ng standing namin sa buhay, Ako ay nag-aaral sa isang private catholic school at sya, janitor sa umaga, estudyante sa gabi, first year high school pa lang at 18..Yun ata ang start na mag admire ako ng lalaki, at sya ang una.Third year ako ng napansin nya, kahit merong nanliligaw sakin nun siya pa din ang gusto ko, hanggang nung malapit na magtapos ang taon,naging kami na.
Naging Masaya ang fourth year ko, first time, may boyfriend na ako. Naranasan ko ang first kiss sa kanya, ang first touch, pero never mag cross ng line.Welcome ako sa pamilya niya, but never syang nawelcome sa pamilya ko, boy lang ang tingin sa kanya..First time naming mag-away dahil sa selos, almost cost me my life..siguro, dahil sa pagbabawal ng pamilya at pressured ako dahil pamilya na mismo ang naghuhusga na malandi ako, parang mauubusan ng lalaki, dahil kahit boy lang pumapatol ako gayong meron namang ibang nanliligaw sakin..ngunit firm ako siya pa rin ang gusto ko..At yun ang unang gulo sa buhay ko.It was December on my last year sa school, nang mag-away kami ng lola ko, di ko nakaya ang mga pinagsasabi nya, plus yung probema pa sa puso, dahil sa away ng boyfriend, nagpakamatay ako,..ohh well siguro alam nyo na na buhay ako…(eto nagkukwento).For all its worth, nakagraduate ako ng highschool, na kami pa ring dalawa ng boyfriend ko, at ang pangakong kami ang magkakatuluyan ang syang pinanindigan ko.

Ngunit sadyang ayaw ng tadhana,,,,,,,

Your comments are welcomed and will be appreciated..

filipino movies