ShareThisChapter I
Matapos tawagan sa cellphone ang ina, nanatiling nakaupo sa sofa si Luisa, parang nabigla sa nagawa. Pero hindi maitatanggi ang magaan na pakiramdam sa kanyang dibdib.....nabawasan ang kinikimkim na sama ng loob.
Pagpasok sa kuwarto, namataan ni Luisa ang envelope sa mesita sa tabi ng kama. Ilang beses na niyang binasa ang papeles sa loob ng envelope, mula ng pinadala yun ni Adan. Pirma na lamang niya ang kailangan at affidavit at blue ribbon sa consulate upang simulan ang proseso ng pagpapawalang bisa sa kanilang kasal.
Ilang pirasong papel na tatapos sa pangarap na ilang taong nilang binuo...... bago ginuho ng nasirang pangako.
Umupo sa kama si Luisa at muling binasa ang dokumento.